Sikat na aktor mahilig mag-power trip, pati mga extra sa shooting pinapatulan

KALAT na kalat na ang kuwentong ayaw na ayaw nakakakita ang isang pamosong male personality ng mga kasamahan niya sa trabaho na papetiks-petiks lang. Lalong naiinis siya kapag naghahalakhakan ang mga nandu’n sa set.

Totoong masipag siya, pero hindi nagugustuhan ng mga kasamahan niya ang pagiging OA ng kanyang kasipagan, dahil mahilig siyang mangdamay.

Kuwento ng isang source, “Hindi na sumasama sa taping ng serye niya ang isang talent (extra) na nakaranas kung gaano kahigpit ang male personality na ‘yun!

“Kahit pa dagdagan ang talent fee niya, e, hindi na siya papayag sa talent caster, ayaw na niya, basta du’n sa serye nu’ng lalaking personality na ‘yun!

“Isa kasi siya sa pinagpatayan ng bentilador nu’ng male personality habang magkakaumpukan silang mga talents. Hindi naman malakas ang kuwentuhan nila, pero napansin pa rin sila nu’ng bumibida!

“Para kasing praning ‘yun, e! Lahat na lang, pinapansin niya, kaya nu’ng makita niyang nag-uumpukan ang mga extra, e, pinatay niya ‘yung malaking bentilador.

“Nagulat silang lahat, pero tuluy-tuloy na tumalikod lang ‘yung bida nila, hindi nagsalita, pero galit!” unang kuwento ng aming source.

Ganu’n nga kahigpit ang male personality, lalo na kapag mainit ang kanyang ulo, pinapansin niya ang lahat ng mga nangyayari sa set.

Patuloy ng aming impormante, “Alam n’yo ba kung ano ang nagpapainit ng ulo niya? Kapag may kumokontra sa kanya sa gusto niyang mangyari sa programa!

“Marami kasi siyang gustong gawing eksena na imposible namang mangyari sa tunay na buhay, e!

Natural, may suggestion ang director at ang scriptwriter kapag ganu’n!

“Ipipilit pa rin niya ang gusto niya, parang siya kasi ang talagang dapat masunod du’n, walang ibang puwedeng magdesisyon, siya lang! Kapag marami nang kumokontra sa kanya, ‘yun na!

“Mainit na ang ulo niya, kaya ang pagdidiskitahan niya naman, e, ang ibang mga kasamahan nila sa trabaho! Nakakaloka ang male personality na ‘yun, power tripper siya!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, baka naman gutom lang ang masungit na male personality na ‘yun, pagmeryendahin n’yo muna kaya siya? Anong tinapay ba ang ipakakain n’yo sa kanya?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Read more...