Lovi in love sa British movie producer?

MOTGOMERY BLENCOWE AT LOVI POE

MUKHANG totoo nga ang chika na matagal nang makulay ang lovelife ng Kapuso actress na si Lovi Poe.

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest photo ni Lovi na may kasamang foreigner na kuha sa ginanap na Royal Ascot, ang bongga at sosyaling annual horse-racing event sa Ascot, Berkshire, England.

Paniwala ng mga followers ng dalaga ang lalaking kasama niya sa photo ay ang British guy na si Motgomery Blencowe. Naka-tag kasi ito sa photo na ipinost ni Lovi sa Instagram (may handle name na @montyblencowe).

Ang maikling caption ng Kapuso star sa litrato nila ay, “My Hat date to the races (winking emoji) #RoyalAscot.”

Ang tanong ng kanyang IG followers ay kung si Motgomery na nga ba ang “itinatagong” boyfriend ni Lovi? Matagal-tagal na rin kasing tahimik ang lovelife ng dalaga at wala itong anumang paramdam sa kanyang mga social media accounts.

Ayon sa isang netizen, base sa kanyang research, movie producer daw si Blencowe na naka-base sa Los Angeles, California. Siya ang executive producer ng American films na “Escape Plan 2: Hades” (2018) at “Marauders” (2016).

May isa namang fan si Lovi ang nagkomento na hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post ang Kapuso actress ng litrato na kasama si Blencowe. Last January ay may isang photo na ipinost si Lovi sa Instagram na kuha sa Los Angeles kasama ang producer at iba pa nilang kaibigan.

Nitong February naman, may ipinost din siyang picture kasama ang British guy kung saan magkasama sila sa isang sosyal na restaurant na kuha sa sa Las Vegas.

Ilang celebrity friends ni Lovi ang nag-react sa kanyang IG post with Blencowe. At kung ito ang pagbabasehan, mukhang super in love nga ang dalaga ngayon.

Ayon sa Kapuso hunk na si Benjamin Alves, “I’m broken hat-ted! Hehehe. Happy for you darling.”

Komento naman ni Paulo Avelino, “Beauty-FULL! (smiley with heart eyes emoji).”

Pinusuan din nina Iza Calzado at Maja Salvador ang post ni Lovi.

Read more...