BONGGA at sosyalin talaga ang naganap na civil wedding anniversary with matching vow renewal ng Socialite na si Tessa Prieto-Valdes at ng kanyang asawang si Dennis Valdes.
Nangyari ang African-themed vow renewal ceremony ng mag-asawa nitong nakaraang Lunes na ginanap sa Santuario de San Antonio Parish, Makati City. Ikinasal sina Tessa at Dennis noong 1994.
Sa Instagram account ng kaibigan nina Tessa at Dennis na si Tim Yap, mapapanood ang isang video clip kung saan makikitang naglalakad ang mag-asawa para sa kanilang wedding march. Nilagyan niya ito ng caption na, “The most unique wedding march ever—Tessa and Dennis’ 25th! #DandTLove25.”
Maraming humanga sa multi-colored at multi-layered custom-made gown ni Tessa na gawa ni Rajo Laurel.
Ipinost nga ni Rajo ang litrato ni Tessa sa Instagram na may caption na, “My dear friend @seaprincess888 is celebrating her 25th wedding anniversary to @hkpirate the theme is very close to our hearts. AFRICA! We @houseoflaurel happily obliged. (heart emojis) #dandtlove25.”
Sa isa pang photo nito, ito naman ang mensahe ng sikat na fashion designer, “Making all our couture fantasies come to life! @seaprincess888 WAKANDA Royalty indeed in #couture @houseoflaurel.
“Congratulations @hkpirate & @seaprincess888 on your 25th anniversary. We’re all looking forward to what lies ahead. #dandtlove25. I love this photo by @erronocampo,” mensahe pa ni Rajo.
Samantala, gwapung-gwapo naman ang asawa ni Tessa na si Dennis sa kanyang traditional African attire with tribal details.
Ang renewal of vow ng mag-asawa ay dinaluhan din ng ilang celebrities kabilang na ang showbiz couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho, Dawn Zulueta at marami pang iba. Pagkatapos ng seremonya sa simbahan, ginanap naman ang Safari-themed reception sa Manila Polo Club.