Ex-Orange And Lemons vocalist may bagong kanta

MCOY FUNDALES

Inilabas na ng former Orange And Lemons vocalist na si Mcoy Fundales ang kanyang comeback single na “Bakit Kita Hahabulin?” under AltG Records.

Inilarawan ni Mcoy ang kanta, na isinulat ni Kian Dionisio, bilang isang modernong kundiman na tiyak na kukurot sa damdamin ng mga makikinig.

“Na-miss ko rin kumanta. My last album was in 2010 so that’s almost nine years na. I’m happy and excited kasi for almost five to six years nagsusulat ako for TV, at ngayon, nagre-record na ako ulit ng mga kanta,” sabi ng singer-songwriter.

Parte rin si Mcoy ng creative team ng GMA Network bilang writer at producer ng iba’t ibang shows kabilang na ang Pepito Manaloto at StarStruck. Ang “Bakit Kita Hahabulin?” ay maaari nang mapakinggan at ma-download sa Apple Music, iTunes, Spotify at iba pang digital stores worldwide.

Read more...