Balak isali sa 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Mindanaw” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Sa nakaraang 2018 MMFF, naging kontrobersyal ang ipinasok na movie ni Direk Brillante na “Alpha: The Right To Kill.” Balitang nagustuhan naman ito ng MMFF Selection Committee pero biglang nagkaroon ng last minute changes kaya naligwak ito at pumasok nga ang horror movie na “Otlum.”
This time tiyak na malaki ang chance na mapili ang movie dahil bida rito si Juday at Allen Dizon. Hindi rin marahil mapupulaan ito na anti-administration dahil ang kultura ng Mindanao ang mapapanood sa kabuuan ng pelikula, huh!
MOST READ
LATEST STORIES