SUGATAN ang isang lalaki nang saksakin ang sarili matapos patayin sa saksak ang kinakasama, sa San Jose del Monte City, Bulacan, nitong Linggo ng hapon.
Nasawi si Shirley Anonuevo, 26, habang ang kinakasamang si Melvin Malazarte ay dinala sa San Jose District Hospital, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-2:30, sa Brgy. Bagong Buhay I.
Sinsabi sa pulisya ng kapatid ni Anonuevo na nag-iinuman ang huli at ang kinakasama nito nang bigla silang magtalo.
Nauwi isyon sa komosyon, hanggang sa pagsasaksakin ni Malazarte si Anonuevo at pagkatapos ay nagtangkang mag-suicide ang una sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili, ayon sa pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES