POSIBLENG makatulong ang low pressure area upang madagdagan ang tubig sa Angat dam, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Kaninang umaga ang LPA ay nasa layong 595 kilometro sa hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Magdadala umano ng pag-ulan sa Central Luzon ang LPA habang tinatahak nito ang direksyon patungong Taiwan.
Kaninang umaga ang lebel ng tubig sa Angat ay 159.09 metro mas mababa sa 159.43 metro noong Linggo ng umaga. Noong nakaraang linggo bumaba ang lebel sa critical level na 160 metro.
Ang Angat ang pinanggagalingan ng tubig ng Metro Manila.
Dahil dito binawasan ang inilalabas na tubig sa Angat sa 36 cubic meter per second mula sa 40 cubic meter per second.
Mahigit sa 12 oras ng walang suplay tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila.