Hugot ni Maymay: Lumaban nang patas, magpakatotoo pero sa tamang paran

MALALIM ang hugot ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa cryptic post niya sa kanyang Twitter account nitong nakaraang araw.

Kanya-kanyang opinyon ang kanyang social media followers kung saan nanggagaling at kung ano ang pinag-ugatan ng kanyang makahulugang mensahe.

Tungkol ito sa pagtupad ng mga pangarap ng isang tao nang walang ginagamit o i-naagrabyadong ibang tao.

“Lahat gagawin natin para sa pangarap. Pero mas maganda kapag nakamit natin ang ating mga pangarap na walang tinatapakang tao. Lumaban ng patas. Mag pakatotoo pero sa tamang paraan,” tweet ni Maymay.

Halos lahat ng netizens ay sumang-ayon sa dalaga at pinayuhan pa siya na huwag nang masyadong magpaapekto sa mga masasamang tao. Pero may mga nagsabi rin na dapat tinuturuan ng leksyon ang mga “user friendly” o mga kaibigang manggagamit para hindi na makapambiktima pa ng iba.

In fairness, talaga namang may karapatang magsalita ng ganyan si Maymay dahil nagsikap, nagtiyaga at nagpakasipag siya para lang marating kung nasaan siya nga-yon.

Wala siyang ginamit o inapakang kapwa para lang sumikat at magkaroon ng sariling pangalan sa showbiz. Talagang sariling dugo at pawis at matinding pakikisama ang kanyang puhunan para maabot ang kanyang mga pangarap.

Mula nang manalo sa PBB Lucky Season 7 ay nagsunud-sunod na ang blessing sa buhay niya. At siyempre, malaki rin ang tinatanaw niyang utang na loob sa former co-housemate niya sa PBB at ka-loveteam na si Edward Barber.
Bukod sa mga pelikula at teleserye sa ABS-CBN, naging TV commercial, print and runway model din siya dahil sa natural talent niya sa pagrampa. Ilang beses na siyang naging model sa mga fashion show ng mga sikat.
And with less than five years in the industry, may mga natanggap na rin siyang award, kabilang na riyan ang German Moreno Youth Award mula sa 67th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS).

“Lahat ng blessings na meron ako ngayon ay inaalay ko sa mga taong patuloy na nagbibigay tiwala sa kakayahang meron ako,” ang bahagi ng kanyang thank you speech.

Very soon ay mapapanood na uli si Maymay sa big screen dahil kasama siya sa pinag-uusapa ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye” na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

 

Read more...