Xian dugo’t pawis ang puhunan sa ‘Tabon’, hindi nagtipid bilang produ

INTERESTING ang trailer ng “Tabon”, ang first directorial job ni Xian Lim na kasama sa 2019 Cinemalaya Film Festival na ipinrodyus din ng aktor mula sa kanyang XL8Pro.

Ang “Tabon” ay isang psychological thriller na mismong si Xian ang sumulat kaya maraming nagulat dahil may itinatago rin palang talento ang aktor sa pagsusulat at pagdidirek.

Huli naming nakatsikahan si Xian sa presscon ng pelikula nila ni Louise delos Reyes na “Hanggang Kailan” at dito nga niya nabanggit niyang sobrang saya niya dahil nakapasok sa 2019 Cinemalaya filmfest ang “Tabon”.

Aminado rin ang aktor na mahirap palang maging producer dahil nga ayaw niyang tinitipid ang gastos sa pelikula at kapwa artista niya. Sabi nga niya, dugo’t pawis ang ibinigay niya sa first directorial job niya.

Hindi pa full trailer ng “Tabon” ang napanood namin kundi patikim palang ni Xian. Caption niya, “#Cinemalaya2019. Let’s go! Full trailer soon! Artwork by @leomigraso. We poured our heart, mind, body and spirit in this project. Literal na dugo at pawis ang binigay ng lahat ng staff, artist and everyone involved in this film Maraming salamat sa lahat ng nag tiwala. FULL TRAILER SOON!”

Read more...