Baguhang singer natupad agad ang b-day wish

KIEL ALO, MACOY MENDOZA AT CARLO MENDOZA

Natupad ang isa sa mga wish ng baguhang singer na si Macoy Mendoza na magkaroon ng concert on his birthday.

Successful ang ginanap na birthday concert niya billed as “Pwede Kaya: Macoy Mendoza Birthday Concert” na ginanap sa Music Hall sa Metrowalk, Pasig City last weekend.

“Sobrang saya ko po kasi successful ‘yung concert and nakuntento po ako sa pag-deliver ng performance ko. Nakita ko naman po na masaya sila (audience). Kaya sobrang saya ko sa birthday ko po,” pahayag ni Macoy.

Ang isa pa niyang wish, “Siyempre, po ma-reach ko ‘yung goals ko. Kasi ngayon, masaya po ako kasi nandiyan lahat ng mga loved ones ko. Complete kami. Ako naman nagpupursigi na makamit ang goals ko.”

Special guests sa concert ni Macoy ang nag-iisang si Allan K, ang very talented na si Kiel Alo, ang baguhang singer na si Carlo Mendoza na pang-R&B ang datingan sa pagkanta, at iba pa.

Parehong talents ng TV/radio host na si Kuya Jobert Sucaldito sina Kiel at Carlo.

After the concert, naghahanda na si Macoy sa isang talent search kung saan pumasa siya sa audition. Kasama na siya sa isang grupo na kasali sa bagong talent show ng Channel 2, ang The Moment.

“Opo, ngayon nagpapraktis na po kami. Tapos ngayon po ang sabi, pupunta kami ng Bulacan for taping,” kwento ni Macoy.

Read more...