Pelikula nina Martin at Maricel sa Regal Films napurnada

MARICEL SORIANO AT MARTIN NIEVERA

NAUDLOT ang pelikulang gagawin sana ni Concert King Martin Nievera together with the Diamond Star Maricel Soriano under Regal Films.

Mismong si Martin ang nagtsika sa amin na ‘di natuloy ang proyekto nu’ng makausap namin siya sa premiere night ng comedy film nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani na “Feelennial.”

Naging busy daw kasi si Maricel sa teleseryeng The General’s Daughter sa ABS-CBN. Hoping naman si Martin na matutuloy pa rin ang proyekto after ng serye ni Marya.

“Hindi naman,” sagot ni Martin when we asked kung nanghinayang ba siya na ‘di natuloy ang movie project nila ng Diamond Star.

Pagpapatuloy pa ni Martin, “I mean, I understand that she’s very busy. Ako rin, busy. But I was so flattered na may project sila for us. Love interest ni Marya, oh! At may bedroom scene pa. Kasi, dumaan kami ng bedroom, ‘yun lang,” biro ni Martin.

Tinanggap ng singer-TV host ang movie dahil magsisilbi sana itong comeback niya sa pelikula at nagustuhan din niya ang role.

“I like the role because I’m, the usual balikbayan. Hindi magaling mag-Tagalog. Mayaman. Gwapo na matanda, ‘yung ganoon,” aniya.

Si Direk Joey Reyes daw ang magha-handle ng movie at maganda raw ang script
ayon kay Martin. Medyo matagal na rin since tumigil si Martin sa pag-arte. Pero ‘di naman daw niya ito na-miss, “Not really. Nobody likes my acting, e,” ngiti niya.

Aminado naman daw siya doon at kahit noon pa knows niya na ‘di siya marunong umarte, “I think I’m the one who ruined the movie industry, e. So, the more I stay away from the movies, tataas nang taas ang life ng movie.”

Present si Martin sa premiere night ng “Feelennial” bilang pagpapakita ng suporta sa ex-wife niya na si Pops Fernandez na isa sa mga producers ng movie under DSL Productions and Cignal Entertainment.

May special appearance rin si Martin sa “Feelennial.” Bagaman nu’ng una ay ayaw pang i-reveal ni Martin na may cameo siya sa movie.

“Ah, syempre, I can’t say no, e. Cute naman ‘yung part namin, e. So, the whole movie revolved around, at least my face, which is not my best ano, best trait. But it was a cute role and I taught one day of shooting lang naman. So, sabi ko, sige na nga. Tingnan natin kung may comeback ako,” sabi pa niya.

Inamin ni Martin na wala raw siyang talent fee sa paglabas niya “Feelennial”, “Absolutely none,” diin niya. “And if I charge, it would be even worse for me, I think. Hindi na ako invited sa Christmas dinner ‘pag ganoon, kung sumingil ako ng talent fee.”

Bukod kay Martin, ang anak naman nila ni Pops na si Robin Nievera ang gumawa ng scoring for the film. While ang bunso naman nila na si Ram ang gumawa ng konting animation.

Ang “Feelennial” ay mula sa direksyon ni Rechie del Carmen. Palabas na ito ngayom sa mga sinehan nationwide.

Read more...