Janine, Tom, Joyce marami pang pasabog sa ‘Dragon Lady’

JOYCE CHING, TOM RODRIGUEZ AT JANINE GUTIERREZ

Asahan ang mas marami pang pasabog sa mga susunod na episode ng nangungunang afternoon series sa GMA 7 na Dragon Lady na pinagbibidahan ng la primera bida-contrabida na si Janine Gutierrez.

Ngayong alam na ni Scarlet (Janine) na magkapatid sila ni Astrid (Joyce Ching) magugulo ang plano niya para tuluyang mapatumba ang dalaga pati na ang isa pang tinik sa dibdib niya na si Vera (Maricar de Mesa).

Pero sa kabila nga ng katotohanang half sisters sila ni Scarlet, hindi pa rin mababago ang feelings ni Astrid, suklam na suklam pa rin siya rito at hindi siya papayag sa kagustuhan ng kanilang lola na magsama sila sa iisang bahay.

Kaya naman kahit nagkasundo na si Scarlet at ang kanyang lola Philippa (Raquel Villavicencio) at ang kanyang inang si Almira (Diana Zubiri), hindi pa rin makukumpleto ang kanyang kaligayahan, lalo na ngayong madidiin si Almira sa isang kaso at posible pang makulong.

Patuloy na tutukan ang Dragon Lady after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Read more...