BUMABA na sa critical level ang tubig sa Angat dam, ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ngayong umaga naitala sa 159.78 metro ang lebel ng tubig sa Angat mas mababa na sa 160 metrong critical level nito.
Noong Biyernes ng umaga ang lebel ng tubig ay 160.28 metro o bumaba ng .50 metro.
Ang normal high water level ng dam ay 210 metro.
Dahil dito ay asahan na ang mas matagal na oras na walang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Noong 2010 naitala ang pinakamababang lebel ng dam na umabot sa 157 metro.
Nagdadala naman ng pag-ulan sa Mindanao ang Low Pressure Area na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Linggo.
MOST READ
LATEST STORIES