Alden nag-alay ng tula para kay Eddie Garcia; Abo ni Manoy hindi isasaboy sa Manila Bay

ALDEN RICHARDS SA BUROL NI EDDIE GARCIA

NAGLAAN ng oras si Alden Richards para bumisita sa unang gabi ng wake ni Eddie Garcia sa Heritage  Memorial Park sa Taguig City nu’ng Biyernes.

Sa nakaraang post ni Alden sa kanyang Instagram, binalikan niya ang pagkakataon nang  makasama niya si Tito Eddie sa “Panday 2” walong taon na ang nakararaan.

Pag-aala ng Pambansang Bae sa yumaong aktor, “We had one scene on a mountain and grabe  si Tito Ed, he would climb up by himself in costume.”

Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagiging independent, professional at passionate ng senior actor-director.

Sa  wake, naging emosyonal din ang Pambansang Bae nang mag-alay siya ng isang tula para kay Tito Eddie.

Itatabi ang abo ng aktor sa libingan ng kaibigan na ama ng long-time partner niyang sa Lilybeth sa Bicol. Hindi ito isasaboy sa Manila Bay (tulad ng kanyang nasabi sa isang panayam) ayon sa pahayag ng kaibigan ng pamilya Garcia na si Bibeth Orteza.

 

 

Read more...