“BALYENANG laos!” “Chaka unano!”
‘Yan ang walang takot na comment ng isang basher sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Nag-post kasi ang showbiz couple sa kanilang social media accounts ng mga litrato nila na kuha noong nagbakasyon sila kamakailan sa Boracay. Dito nagkomento ang isang netizen ng puro kanegahan.
Pang-ookray nito kay Ogie, “@ogiealcasid talaga naman nakakasawa na yung pangit mo pagmumukha sa IG magsama kayo ng balyena mo sa asawa na walang ginawa kundi magtitili sa TV masakit na sa tenga yung boses pweeeeeee nasaktan ka kasi totoo magsama kayo chaka unano at balyenang laos.”
Ni-repost ni Regine sa kanyang Instagram account ang screenshot ng comment ng hater at talagang rumesbak sa kanya ang Asia’s Songbird. Sagot sa kanya ni Regine, “This is so sad now I understand why there are celebrities who deactivate their social media accounts.
“There are so many ‘mean’ people out there who wish ill on anyone who experience the simple joys in life.
I feel sad for you,” unang pahayag ni Regine.
Pagpapatuloy nito, “Again if you do not like us unfollow and da-ling gawin hindi hindi mo na kami makikita sa feed mo. God bless.”
Hindi pa rito natapos ang paglalabas ng sama ng loob ni Regine, nag-tweet din siya laban sa mga bashers na walang sinasabing maganda sa kanilang kapwa, lalo na yung mga nakikitingin lang sa mga video at picture nila ng kanyang asawa sa social media.
“Ok just want to say sa mga nakikitingin ng videos at pictures ng mga artista kung ayaw nyo makita mga pagmumukha namin why are you guys following us??!!
“Bat kayo magtataka puro mukha namin ang andun? Ah nag iisip ba KAYO???” tweet pa ng Songbird.
Kinampihan naman si Regine ng ilang celebrities na nakararanas din ng pambu-bully mula sa mga negang netizens.
Comment ni Angeline Quinto, “Ms. Reg nasasaktan po ako pag alam kong nasasaktan kayo. Hindi po sila titigil. Sa akin din po may mga ganyang tao. Wala naman po tayong magagawa kung ayaw nila sa atin.”
Dagdag pa ni Angeline, “I-pinagdadasal ko nalang po sila na patawarin sila ng Panginoon dahil hindi po nila alam ang kanilang ginagawa. Mahal na mahal po namin kayo Ms. Reg napakarami po namin at iisa lang po yan.”
Sabi naman ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros, “Ms Regine wala yan ipagdasal natin cya kawawa cya. di cya msaya sa buhay nya mabuti tayu masaya at kuntento sa buhay. Basta marami kami nagmamahal sayu.”