Vilma sa pagpanaw ni Eddie Garcia: Siya ang dapat binibigyan ng National Artist Award

EDDIE GARCIA AT VILMA SANTOS

NAGLULUKSA ang buong showbiz industry pati na ang sambayanan sa pagyao ng award-winning actor-director na si Eddie Garcia nu’ng Huwebes nang hapon.

Kanya-kanyang post sa social media ang mga sikat na celebrities bilang pagpupugay sa pagkawala ng isa sa haligi ng movie at TV industry.

Ang professionalism ni Tito Eddie bilang artista at director ang nagmarka sa lahat ng nakatrabaho niya. Bukod pa rito, inalala rin ng mga artistang nakasama ni Manoy sa mahigit 300 pelikula at mahigit 30 teleseryeng nagawa niya ang kanyang kabaitan at kababaan ng loob.

Para kay Cong. Vilma Santos-Recto, “Ganyan dapat ang nabibigyan ng MOST PRESTIGIOUS RECOGNITION! (National Artist). INSPIRATION NG LAHAT NA PUMAPASOK SA INDUSTRIYA.”

Nakapareha ni Ate Vi si Tito Eddie sa Viva movie na “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” at naging director din niya ito sa mga pelikulang “Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?” at “Immortal.”

Sa mga gustong makiramay, nakaburol ang abo ni Tito Eddie sa Heritage Memorial Park at tatagal ang public viewing hanggang June 23, Linggo.

JANNO GIBBS AT EDDIE GARCIA

Sa tototo lang, hindi lang ang Kapuso series na Rosang Agimat ang naiwan ng veteran actor. Kasama rin siya sa pelikulang “Sanggano, Sanggago at Sangguwapo” ng Viva Films kasama sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E..

Sa Instagram post ni Janno, ibinahagi nito ang kanyang mensahe para kay Tito Eddie na nakasama rin niya sa ilang action-comedy films.

“It was an honor to share the screen with you on ‘Mauna Ka Susunod Ako.’ Still one of my fave movies I made. We ever had our own sitcom on GMA ‘Si Manoy at si Mokong’.

“It is bittersweet that the last movie you completed will be with me, Dennis and Andrew E. It seemed to bring you joy everytime I imitated your voice infront of you, so I say this in your voice, Paalam, manoy. Mahal kita,” caption ni Janno sa picture nila ng yumaong aktor.

Ito naman ang emosyonal na mensahe ni Sharon Cuneta sa kanyang tatay-tatayan sa showbiz, “My Direk, my Tito Eddie…It is truly the end of an era. Hindi na maaaring ibalik ang napakaganda at kagalang-galang na kagandahan ng showbiz noon…

“Kokonti na lang ang mga artistang ‘old school’ na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o ‘maliliit’ ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista,” aniya pa. Bigla ka-sing umulan ng malakas matapos mabalita na namatay na ang veteran actor.

Tweet naman ni Maine Mendoza, “Nakakalungkot na balita.. Pati ang langit ay umiiyak sa iyong pagkawala. Rest in peace, Mr. Eddie Garcia. Deepest condolences to his family.”

Ilan pa sa nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong veteran actor ay sina John Arcilla, John Prats, Sen. Grace Poe, Amy Perez and marami pang iba.

Read more...