Young actress malupit sa alalay, walang awa kung mamahiya

WALA na talagang maitatagong lihim ang mga artista lalo na ang may mga pangalan na. Kapag sikat na ang personalidad ay sinusundan-sundan ng marami ang kanyang mga galaw at pananalita.

Kundi man ang mismong alalay ang maglabas ng mga kuwentong hindi kagandahan ay marami pang ibang nakatanaw, ang mga usisero ang naglalabas ng kapintasan ng artista, tulad ng kuwentong ito.

Kuwento ng aming source, “Maganda si ____ (pangalan ng isang young actress), pero kabaligtaran naman ng ganda niya ang attitude niya. May kaangasan ang batang ‘yun!

“Masyado siyang mainipin, kaya kapag nag-uutos siya sa PA niya, kailangang agad-agad, meron nang resulta ang utos niya. Wala siyang keber kung may mga nakapaligid man, kung pagalitan niya ang alalay niya, e, wagas na wagas kapag hindi nasusunod ang gusto niya!

“E, iisang katawan lang naman ‘yung tao, pagod na pagod siya sa kauutos ng girl! Hindi pa tapos ang una niyang utos, e, may kasunod na naman ‘yun! Natutuliro tuloy ang PA niya!” buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Kapag nagkukuwentuhan nga ang mga PA ng mga artistang katrabaho ng young female personality ay awang-awa sila sa alalay ng girl. Sagana kasi ito sa pang-ookray ng young actress.

Balik-kuwento ng a-ming source, “Naku, sinasabihan na nga ng mga kapwa niya alalay ang PA ng young female personality na umalis na, humanap na lang siya ng ibang artistang pagseserbisyuhan, kesa naman sa ganu’n na i-pinapahiya siya sa mara-ming tao ng boss niya!

“Syunga raw kasi ang PA niya, hindi alam ang mga ginagawa, kaya pinagtitiisan na lang niya. E, kung kasingtalino niya ang alalay niya, e, di sana, boss din ‘yun?

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, parang hindi naman siya ganu’n kataray sa PA niya kapag iniinterbyu siya, parang ang nice-nice niya naman! Kunsabagay, marami namang artistang very deceiving!

“Mababait sila sa harap ng mga camera, pero kapag wala nang mga ilaw na nakatutok sa kanila, e, kabaligtaran naman nu’n ang ugali nila!

“Naku, walang magtatagal na PA sa babaeng ‘yun! Sayang, maganda pa naman siya, magaling din naman siyang umarte, galing pa siya sa pamilya ng mga artista.

“Kandidata rin pala siya para hambalusin ng bareta dahil sa katarayan niya!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bareta ba kanyo? Naku, alam na alam na!

Read more...