IBA ang take ni Butch Francisco sa kung paano maiiwasan ang insidente o aksidenteng kinasangkutan ni Eddie Garcia while taping a GMA series na naging dahilan ng pagkamatay nito last Thursday.
Bago inilatag ng dating TV host ang ilang contingency measure to prevent similar incidents from happening ay pinuna muna niya ang aniya’y “greed” ng ilang TV network.
Hindi ito alam ng publiko most especially the viewers, pero may tinatawag na shoot-edit na karaniwang pinaiiral ang mga produksiyon lalo’t kung wala silang nakabankong episode.
Simply put, magsu-shoot ng isang episode ngayong araw kunwari, na eere na mamayang gabi. Diretso na ang materyal sa post-prod (edi-ting).
This practice isn’t alien to TV workers. Lahat ng nasa produksiyon ay nagkukumahog, trying to beat its deadliest deadline. Because of the time constraints kung kaya’t may ilang aspeto ng production are compromised. Safety is one.
Butch offers a tip para maiwasan ang tulad ng nangyari kay Tito Eddie where cables have to be laid on the ground. Puwede naman daw itong balutan ng plastic so they won’t result in tripping sa kung sinuman sa cast member will have to cross.
May mungkahi si Butch kung paano maaaring mabasawan ang pressure on the part of the production lalo’t kung araw-araw ipinalalabas ang programa. Maaari raw bumalik ang mga istasyon sa umiiral noong vertical programming, kung kailan nauso ang mga once-a-week drama anthologies allowing ample time sa produksiyon para maiwasan ang cramming.