OWWA, PNA magtutulong para sa OFWs | Bandera

OWWA, PNA magtutulong para sa OFWs

Liza Soriano - June 21, 2019 - 12:15 AM

HI po. Tanong lang po, paano po ba magpa-DoLE? One month and nine days pa lang po ako sa company ko ngayon, balak ko nang umalis.
Ang dahilan ko kaya ako magre-resign dahil nahihirapan ako kasi pasukan na walang mag-aasikaso sa anak ako at dahil may pasok pa ako at hindi ako nakakatulog nang maayos kaya lagi masakit ang sikmura ko dahil sa stress ako. Yun din sabi ng doctor sa akin kaya nagpo-produce ng acid ang tiyan ko dahil sa stress.
Ngayon need daw nila nga doctor’s recommendation para ma-approve immediate resignation ko. Paano ko sila bibigyan eh malakas pa naman ako at magbibigay lang ang doctor ng ganun kapag na-stroke.
Ano po pwede kong gawin?
Meriam Supiza

REPLY: For immediate response, please call DOLE Hotline 1349.
Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.
Tawag na po.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
***
Lumagda ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Philippine Nurses Association, Inc., sa isang kasunduan upang palakasin ang kanilang samahan sa pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan ng mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang mga pamilya.
Pinangunahan ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at PNA President Dr. Erlinda Palaganas ang paglagda sa kasunduan sa ginanap na pagdiriwang ng Araw ng Migranteng Manggagawa.
Ang kahalagaan ng nurse bilang propesyon, na kumakatawan sa pagkakaisa ng OWWA at PNA upang tulungan hindi lamang ang mga OFW-nurse, pati na rin ang lahat ng OFW at kanilang pamilya.
Upang mapalakas ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa kalusugan at kagalingan ng mga OFW, maglalaan ang PNA ng mga dalubhasa na susuri at bubuo ng mga modules ukol sa health and wellness bilang bahagi ng Pre-Departure Orientation Seminar para sa mga OFW.
Kasama rin sila sa pag-oorganisa ng medical mission, at pagbibigay ng tulong-medikal o psycho-scoial para sa mga OFW-nurses at sa iba pang OFW na nangangailangan.
Isasangguni naman ng PNA ang mga OFW-nurses na may welfare at legal case sa OWWA at sa Regional Welfare Office para sa kanilang kinakailangang tulong.
Sa bahagi naman ng OWWA, palalakasin naman nito ang pagbibigay ng programa at serbisyo sa mga OFW-nurse at sa kanilang pamilya, tulad ng reintegration program, at 24/7 helpline sa pamamagitan ng OWWA Operations Center at Hotline 1348.
Kung kinakailangan, magbibigay din ang OWWA ng psycho-social evaluation at counseling sa mga OFW-nurses at kanilang pamilya, sa pamamagitan ng mga OWWA partner.
Ang nursing professionals ang ikatlo sa major occupation group na pinoproseso ng Philippine Overseas Employment Administration at isa sa mga pangunahing miyembro ng OWWA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending