ANNE CURTIS
Nagmistulang fairy godmother si Anne Curtis para sa limang Pinoy fans ng Korean superstar na si Park Bo Gum.
Tinupad kasi ng Kapamilya TV host-actress ang wish ng limang lucky Pinoy fans para makita up close and personal ang Korean actor sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng libreng ticket para sa upcoming Manila fan meeting nito sa June 22.
Last week, in-announce ni Anne na siyang magiging host sa fan meet & greet ni Park Bo Gum na magbibigay siya ng free tickets through her Dream Machine Philippines.
“Stay tuned for A Good Day giveaway @DreamMachinePH,” post ni Anne sa kanyang Instagram.
At nito ngang nakaraang araw, ibinandera na ng Showtime host kung sinu-sino sa mga followers niya ang masuwerteng makakapunta sa meet & greet ni Park Bo Gum na gaganapin sa MOA Arena.
“I have chosen the winners for my #DreamMachineGoodDayGiveaway. A member from
@DreamMachinePH will be in touch! Congratulations @catherinessi_ @carmelalee4
@cheesecakeforevs_ @aaliahdoodles @roxglips over on Instagram! Be sure to check your inbox and I’ll see you on the 22nd,” tweet ni Anne.
Nakilala si Park Bo Gum sa Korean hit series na Love in the Moonlight na ipinalabas sa ABS-CBN back noong 2017.
Siya rin ang bida sa latest K-drama na Encounter, kasama ang isa pang Korean superstar na si Song Hye-kyo.