Happy si Gretchen Barretto sa Father’s Day celebration nila na ginanap sa US kasama ang kanyang daughter na si Dominique at long-time partner na si Tonyboy Cojuangco.
La Greta posted some photos na kuha sa US. Kasama rin nila sa Father’s Day celebration ang anak ni Tonyboy na si Patricia na kasama ang kanyang husband and son.
“Fathers Day our family is COMPLETE, our grandson, cheech, son in law ants, Dominique only sister manang patty, yaya gemma, San Francisco,” caption ni La Greta sa photo.
With that, marami ang nagmaasim at nanglait kay La Greta.
“Mukhang dami ng retoke ni Gretchen. Napakapangit na mukhang shokoy na.”
“Enjoy ka lang kabit. Walang forever para sa inyo.”
“Daming kabet dito todo suporta sa idol nilang Mabiteña.”
Binasag naman sila ng supporters ni La Greta.
“Bago mamintas ng kapwa magsalamin muna. Walang taong perpekto lahat tayo ay makasalanan. Ingat lang sa pagcomment para hindi mahusgahan.”
“Ok lng at least happy c Greta wag na natin cya pakialaman buhay nya yan at love cya ni Toni boy.”
“Daming ampalaya kay Greta enjoy Greta and family.”