Ang “This is a relevant story” at “panalo ang acting” ay ilan lang sa positive feedback mula sa Kapuso viewers na nakapanood sa first part ng Magpakailanman episode tampok sina Rodjun Cruz at Juancho Triviño noong Sabado.
Naiyak, kinilig, at karamihan ay nabitin sa kuwento ni Roxanne D’ Salles, ang isa sa mga unang Pinoy na dumaan sa sex reassignment surgery.
Bilib nga ang netizens sa naging pagganap nina Juancho bilang Roland at Rodjun bilang Roger dahil nakitaan nila ng chemistry ang tambalan ng dalawang Kapuso stars.
“Yan ang tunay na mga aktor, kayang gumanap na bading at kapani-paniwala. Hindi tulad ng ibang actor diyan na takot mag-play ng gay role dahil natatakot sila na bumigay at malaman ng public na tunay silang mga beki. Just saying!” comment ng isang viewer.
Sey naman ng isa pa, “Kudos to Rodjun and Juancho, more projects like this. You deserve an award for effective portrayal sa MKP.”
At dahil nabitin sila sa kwento ni Roxanne na noo’y kilala bilang si Roland Aggabao, mapapanood ang part 2 nito ngayong Sabado kung saan ang award-winning actor na si Allen Dizon na ang gaganap bilang Roland at Roxanne. Kasama rin dito sina Clint Bondad, Dave Bornea, Analyn Barro, Jenny Miller, Kaya Klaws at April Gustilo.