TODO abang na ang avid viewers ng Kara Mia sa finale ng Kapuso primetime series next week.
Affected kasi sila sa takbo ng kwento dahil kailangang may isang magsakripisyo sa magkapatid na sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).
Dahil dito, pinagtatalunan ng netizens kung sino sa dalawang bida ang nararapat na mabuhay. May ilan ang kumakampi kay Mia dahil buong buhay raw ay naging anino lamang ito ng kapatid na si Kara na siyang nasa harapan ng iisa nilang katawan.
May ilan din namang naniniwala na mawawalan ng bisa ang sumpa ni Reynara (Ai Ai delas Alas) at kalaunan ay magkakaroon din ng sariling katawan ang magkapatid. Sino nga kaya ang mabubuhay kina Kara at Mia? Abangan ang sagot sa lahat ng yan sa nalalapit na pagtatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad after 24 Oras.