Sikat na aktor buking ang kabaklaan sa ibang bansa, suki ng gay massage parlor
BUKING ang isang male personality na matagal nang pinagdududahan ang gender sa isang bansang madalas niyang dayuhin para du’n magpalipas ng kanyang kakyondian.
Wala nga namang makakakita sa kanya kung pumasok man siya sa lugar na puntahan ng mga becki, pero nagkamali ang kilalang male personality, bukelya pa rin ang kanyang drama.
Kuwento ng source, “Dito kasi, e, marami nga namang makakakilala sa kanya kung pupunta sya sa lugar na madalas na pinupuntahan ng mga becki, di ba?
“Kilala kasi siya, napapanood siya sa TV, markado ang face niya, kaya kapag ginawa niya ang pagpapamasahe kuno dito sa atin, bukelya na agad siya!
“E, sa ibang bansa nga naman, mag-disguise lang siya, e, wala nang makakakilala sa kanya kahit pa may kababayan man tayong makakita sa kanya.
“Ginagawa naman ng ibang pinagdududahang becki ang ganu’n, kung anu-ano ang ginagawa nilang gimik para hindi sila makilala, di ba?
“So, ang akala ng male personality, e, safe na safe na siya sa bansang pinuntahan niya hindi niya akalain na nabuking siya dahil sa social media!
“True! May isang Pinoy na nagpunta sa masahihan ng mga becki, may nagsabi sa kanya na may isang Pilipino ring madalas magpunta du’n,” bitin pang kuwento ng aming impormante.
Natural, curious ang kababayan nating nakaalam na may Pinoy raw na nagpupunta sa masahihang paboritong puntahan ng mga becki. Tinutukan nito ang kuwento, hanggang sa ipinakita sa kanya ang picture kung sino ang Pinoy na nagpupunta du’n, nalokah ang kababayan natin.
Patuloy ng source, “Nasabi na lang ng Pinoy na pinagpakitaan ng picture ng isang staff ng masahihan, ‘Sinasabi na nga ba, e!’ Kasi nga, deny nang deny ang male personality sa mga kuwentong becki siya!
“Kulang na lang na makipag-argumento pa siya kapag may nagsasabing ganu’n nga siya, pero ‘yun naman pala, e, sa ibang bansa siya gumagawa ng milagro!
“Sa totoo lang, matagal nang laman ng mga kuwentuhan ang male personality na ‘yun, marami nang nakakaalam ng tunay niyang gender, dahil siya naman mismo ang lumalapit sa apoy!
“Tama bang kapag may kachurvahan siyang mhin, e, nagbibigay pa siya ng mga giveaways ng mga produktong identified sa kanya?
“Hay, naku! Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, tingnan nga natin kung mauupo kayo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan ngayon?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.