BACK to Instagram world na ulit si Kris Aquino at dito nga niya ikinuwento ang tungkol sa mga librong binabasa niya sa kasalukuyan. Ini-enjoy niya ang pagbabasa ng mga librong may kinalaman sa Zen living at Japanese culture.
Tinigilan na muna niya ang pagbabasa ng mga book na espionage at suspense-thriller na puro patayan at violence. Tama naman dahil nakakadagdag stress lang iyon sa kanya.
Base sa kuwento sa amin ng taong malapit kay Kris, “Slowly nakakabawi na ang katawan niya.
Nagkakahiligan na uling magluto. Panay ang aral ng mga iluluto sa educational video sa YouTube. Foodie na raw siya ngayon.”
Sana talagang magtuluy-tuloy na ang pagbalik ng lakas ni Kris dahil marami pa rin ang nag-aabang sa kanya na muli siyang mapanood sa malaking telon at sa webisodes na isini-share niya sa kanyang social media accounts.
Samantala, may offer palang gumawa ng horror movie si Kris base na rin sa kuwento niya sa IG na hihintayin siya hanggang Setyembre. Kung matutuloy ito, posible kayang maging entry ito sa 2019 Metro Manila Film Festival?
Sana nga muling mapanood ang Horror Queen sa MMFF this year.