SWS: 9.5M pamilyang Pinoy poor, kumonti

BUMABA sa 38 porsyento o 9.5 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations noong Marso.

Ito na ang pinakamababang rating na naitala ng SWS mula noong 1983.

Noong Disyembre ang self rated poor ay 50 porsyento na mas mababa sa 52 porsyento na naitala noong Setyembre.

Sa first quarter survey ng SWS, 62 porsyento ang nagsabi na hindi na sila mahirap. Sa mga ito 15 porsyento ang mahirap may isa hanggang apat na taon na ang nakakaraan, 20 porsyento ang mahirap lima taon o higit pa ang nakakaraan at 26 porsyento ang hindi pa nakakaranas na maging mahirap.

Sa mga nagsabi naman na sila ay mahirap, anim na porsyento ang hindi mahirap 1-4 taon ang nakakaraan, 6 porsyento ang hindi mahirap limang taon o higit pa ang nakakaraan at 26 porsyento ang hindi pa nararanasan na hindi maging mahirap.

Ang mga nagsabi naman na pangmahirap ang kanilang pagkain ay 27 porsyento, mas mababa kumpara sa 34 at 36 porsyento na naitala noong Setyembre at Disyembre.

Upang hindi maituring na mahirap ang kanilang buhay, ang kailangang home expenses ng isang pamilya ay P10,000.

Sa mga nagsabi na sila ay mahirap, ang ginagastos umano nila sa bahay ay P5,000.

Ang survey ay ginawa mula Marso 28-31 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents.

Read more...