2-3 bagyo kailangan para sa Angat Dam

DALAWA hanggang tatlong bagyo umano ang kailangan upang bumalik sa normal ang isinusuplay na tubig ng Angat dam.

Kaninang umaga ang tubig sa Angat dam ay 161.30 metro, bumaba ng 0.48 mula noong Martes ng umaga. Ang critical level nito ay 160 metro.

Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David kailangan ng malakas na ulan sa lugar ng Angat para tumaas ang lebel ng tubig nito.

Sinabi ni David na 157 metro ang pinakamababang lebel ng tubig na naitala ng dam noong 2010.

Kung magpapatuloy po itong sitwasyon na ‘yung mga pag-ulan ay hindi pa dumating nitong mga susunod na araw o hanggang sa susunod na linggo ay baka po umabot tayo dun sa record level na ‘yun at baka mas mababa pa po kung sakali,” ani David sa isang panayam sa telebisyon.

Mayroong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility subalit malayo pa umano ito upang matiyak kung papasok ito sa bansa.

Read more...