AMINADO sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista na mas ramdam nila ang pressure na mag-concert ngayong hindi na nila kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Sa presscon ng second leg ng kanilang concert na “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only”, talagang ile-level up nila ang kanilang production numbers para mas ma-enjoy ng kanilang supporters ang show.
Kung matatandaan, last year, magkakasama sina Julie Anne, Christian at Regine sa Kapuso concert series na “3 Stars, 1 Heart”. At kahit na nga nasa ABS-CBN na ang Songbird, ipinagpatuloy pa rin ng GMA ang concert series with the tandem of Julie Anne and Christian.
Natanong sa presscon ng “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only” na magaganap naman this time sa Cagayan de Oro, natanong sina Julie Anne at Christian kung ano ba ang bago sa concert nila ngayon.
Biglang natawa si Julie Anne nang sabihin ni Christian na isa sa pagkakaiba ay, “Wala na ‘yung poste sa gitna.” Hindi man pinangalanan ng Kapuso singer kung sino ito, malamang na ang tinutukoy nga niya ay ang Asia’s Songbird. Dito na nga inamin ni Christian na mas matindi ang pressure at kaba ngayong wala na sa concert si Regine.
“Yeah, of course, mas may pressure. Of course, meron, kasi wala ka nang Regine Velasquez. Pero na-prove namin sa last show (sa Iloilo) na kaya naman. Second leg na nga ito kaya we will make sure na mas maraming bago,” ani Christian.
Sey naman ni Julie Anne, “Kakayanin and mas naiisip namin na mas galingan pa natin, so mas namo-motivate kami to do our craft better.”
“Sa concert na ito, I think ang nagpapa-up ng game namin ni Julie are these guys, si DonEkla (Donita Nose and Tekla) and si Kyline, kasi they’re also full of energy at binibigyan din kami ng so much energy,” hirit pa ni Christian.
Agree naman dito si Julie Anne, “Hindi na mahirap sa amin mag-build ng rapport. Actually, sobrang… it’s getting better. Sobrang close na naming lahat. Kumbaga, wala na kaming tinatago sa isa’t isa.
“I think sila talaga ‘yung nagpapa-up ng game namin and aside from them, syempre ‘yung ating mga audience also. Kumbaga sila ang reason kung bakit ginagawa ang show. It’s our goal to make them happy sa gabing iyon,” aniya pa.
Ang second leg ng “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only” ay gaganapin sa The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro sa darating na July 6. Ka-join din dito sina Kyline Alcantara, Donita Nose at Super Tekla.
Tickets are available at Limketkai Bizhub, Ale Restaurant, Streetby App., GMA Cagayan De Oro Station, and SM Tickets. You may also contact 0915-535-3873, 0936-300-0243, and (088) 857-7933.
The Kapuso Concerts is a joint project between the Network’s regional arm GMA Regional TV, GMA Entertainment Group, and GMA Pinoy TV.