COMEDIENNE Ethel Booba reacted to the post of laos na broadcaster Jay Sonza who posted his take on the controversial pagbangga ng Chinese vessels sa bangka ng Pinoy fishermen.
Pinalagan particularly ni Ethel ang statement na ito ni Jay: “Ang tanging pamantayan daw nila na tsino ang barkong bumangga ay ang istilo ng pamalakaya. Paano nila nasabi samantalang sila mismo ang nagsabi na ubod ng dilim at wala silang naaninag man lang. Teka muna, wala man lang namatay o malubhang nasugatan sa kanila.”
“Grabe yung number 4 nya na ‘wala man lang namatay o malubhang nasugatan sa kanila.’ Di ba sabi ng mga mangingisdang Pinoy na they rowed using small boats for 2 hours to reach the 4 nautical miles na location ng mga Vietnamese? Former journalist pero di marunong makibalita. Charot!” came Ethel’s reaction.
With that, marami ang nag-take side kay Ethel at lait ang inabot ng laos na broadcaster.
“So kelangan pala may mamatay or masugatan para kapanipaniwala. Mga utak butiki.”
“Basurang Jay Sonza trying to be relevant now.”
“Isa pang bobo. Instead na maawa sa mga kasama natin, pag dududahan pa. Kanino ba sila dapat kumampi, yan nangyayari pag hawak na ng gobyerno ang media.”
“Umamin na nga yung nakasagasa. Pero itong mga bayaran patuloy pa ring binabaluktot ang katotohanan. Dahil alam nila gaano kahina mag-isip yung mga naniniwala sa kanila.”