Vice mamimigay ng brand new car sa ‘Walopet’ ng GGV

PASABOG ang “Walopet” episode ng Gandang Gabi, Vice last Sunday.

Since the episode marks the eighth anniversary of Vice Ganda’s Sunday show, bongga ang unang sultada ng papremyo.

Nagpaulan ng papremyo ang show via a game na talagang sobrang na-enjoy ng audience. Bongga ang prizes, ha! May iPad, TV, laptop, smart phones at ang grand prize ay isang brand new car na ira-raffle sa pagtatapos ng one-month celebration.

Bongga rin ang mga guests niyang sina Stephen at Jackie na nag-dance showdown. Later, humiling si Vice ng acting between them at tinotoo nila ang sampalan nila as requested by Vice. Kuwela ang mga hugot lines nila at ang nakakaloka, nadawit pa si Ion Perez sa jokes nila.

Aliw ang episode na ito at sa pagpapatuloy ng anniversary special ng GGV, inaabangan na ang guesting ni Regine Velasquez na mapapanood na next week.

Read more...