Tarlac university binatikos matapos ang LGBT graduates’ attire rule

BINATIKOS ng nakakulong na si Sen. Leila de Lima ang isang university sa Tarlac matapos hindi papasukin ang anim na transgender na mag-aaral dahil sa pagsusuot ng bestida.

“This saddens me because it happened during the celebration of the LGBT Pride Month. Instead of letting students belonging to the LGBT community celebrate one of the most memorable moments of their young lives, they were prevented from fully expressing themselves,” sabi ni de Lima.

Bukod sa anim na transgender, hindi rin pinapasok ang isang transgender man at lesbian graduate matapos magsuot ng Barong Tagalog.

“Hindi ito dapat nangyayari, lalo pa’t mayroon mga karapatan ang ating LGBT community na dapat kilalanin at irespeto nang lahat,” ayon pa kay De Lima.

“Tarlac State University move to require transgender women to don a Barong Tagalog, which is a clear violation of their (trangenders’) right to free expression,” sabi pa ni de Lima.

Read more...