Angat Dam pa-critical level na

 

MAAARING bumaba sa critical level ang tubig sa Angat Dam bago matapos ang linggo.

Kahapon ang lebel ng tubig sa dam kahapon ng umaga ay 162.39 metro, bumaba mula sa 162.82 metro noong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ang critical level ng dam ay 160 metro at ang normal high water level nito ay 210 metro.

Ang pinakahuling pagkakataon na umabot sa critical level ang tubig sa Angat dam ay noong 2010.

Sa Angat dam kinukuha ang malaking bahagi ng isinusuplay na tubig sa Metro Manila.

Noong Biyernes at inanunsyo na ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan subalit hindi pa umano kalakasan ang Hanging Habagat kaya hindi pa bubuhos ng husto ang ulan.

Read more...