Misuari pinagbigyan ng korte

PINALAGPAS ng Sandiganbayan Third Division si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Nur Misuari sa hindi nito pagsunod sa kondisyon ng payagan na bumiyahe sa Abu Dhabi, United Arab Emirates at Morocco.

Pero nagbabala ang korte kung muling lalabagin ni Misuari ang mga kondisyon na itinakda nito.

“Accused-movant Nur Misuari is, however, sternly warned that any repetition of the non-compliance of any of the conditions imposed for this travel shall be dealt with more severely,” saad ng anim na pahinang resolusyon ng korte.

Pinayagan ng korte si Misuari na dumalo sa 48th session ng Organization of Islamic Cooperation Council of foreign ministers at 14th Session of the Parliamentary Union of Islamic Cooperation noong Pebrero hanggang Marso.

Siya ay naglagak ng P920,000 travel bond.

Nang bumalik sa bansa ay hindi pumunta si Misuari sa Division Clerk of Court na bahagi ng kondisyon na itinakda ng korte.

Nais ng prosekusyon na kumpiskahin ang travel bond ni Misuari pero inapela ito ng dating gubernador at humingi ng paumanhin sa korte.

Sinabi nito na kinailangan niyang makipagpulong kay Pangulong Duterte kaugnay ng usapang pangkapayapaan.

“Nevertheless, this Court finds the reasons forwarded by accused-movant Misuari in support of his non-compliance to be valid and accepted, bearing that this is the first time that accused-movant Misuari travelled outside the Philippines,” saad ng resolusyon. “However, it must be emphasized that this leniency should not be interpreted as a relaxation of the conditions that may be imposed for foreign travels of accused-movant Misuari in the future.”

Read more...