Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz, dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno upang mapababa ang napakalaking ginagastos ng mga OFW sa pagpapadala ng remittance.
“Philippine banks and their foreign correspondents are taking unreasonably high cuts out of the cash wired home by migrant Filipino workers,” ani Bertiz.
Ayon sa Remittance Prices Worldwide Report ng World Bank, sa unang quarter ng taon ang bangko ang pinakamahal na service provider na naniningil ng average na 10.90 porsyento ng ipadadalang halaga.
“We expect OFWs to send home an aggregate of $29.8 billion in cash via the banking system this year, up three percent from $28.9 billion in 2018,” saad ng solon. “To transfer the entire $29.8 billion home, OFWs will be forking out 10.90 percent, or some $3.2 billion, to pay for bank fees.”
Kung maibaba lamang umano ng kalahati ang remittance fee mangangahulugan na may dagdag na $1.6 bilyon (P83.2 bilyon) ang mga pamilya ng OFW sa bansa.
Ang pagpapadala ng postal offices ay may average na singil na 7.26 porsyento at ang Money Transfer Operators ang pinakamura sa 6.06 percent.
Ang Pilipinas ang no. 4 sa pinakamataas na tumatanggap ng remittance sa mundo. Noong 2018 umabot ito sa $34 bilyon.