MAY epekto umano ang timbang at pag-inom ng alak ng isang babae sa posibilidad na magkaroon ito ng breast cancer, ayon sa pag-aaral ng University of New South Wales.
Pinag-aralan nila ang 214,536 kaso ng mga babae na nauna ng sinuri kaugnay ng kanilang lifestyle upang matukoy ang iba’t ibang factor sa pagkakaroon ng breast cancer.
Ang resulta ng pag-aaral ay inilathala sa International Journal of Cancer.
Ayon dito, ang mga pre-menopausal women na regular na umiinom ng alak ang sanhi ng 12.6 porsyento ng mga babaeng nagkaroon ng breast cancer ng sumunod na dekada.
Ang mga gumagamit naman ng oral contraceptives sa loob ng limang taon ay bumubuo sa 7.1 porsyento ng mga nagkaroon ng breast cancer.
Sa mga post-menopausal women, pagiging obese o overweight ang naiturong dahilan ng pagkakaroon ng kanser ng 12.8 porsyento, ang regular na pag-inom ng alak ay 6.6 porsyento, at ang paggamit ng menopausal hormone therapy ay 6.9 porsyento.
Ayon kay Dr. Maarit Laaksonen, may-akda ng pag-aaral, ang pagiging overweight ang pangunahing responsable sa pagkakaroon ng breast cancer ng 17,500 o 13 porsyento n mga babaeng sinuri.
Ito ang unang pag-aaral na nagsabi na ang regular na pag-inom ng alak ay isa sa pangunahing sanhi ng breast cancer sa mga pre-menopausal women.