ANG aksidente sa kalsada ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa. Kaya narito ang ilang paalala para makaiwas sa aksidente lalo na kapag tumatawid sa kalsada.
1. Tandaan ang “Stop, Look and Listen” bago tumawid ng kalsada. Huminto sa tabi ng daan, tumingin sa kaliwa at kanan, at makinig kung may paparating na sasakyan bago tumawid.
2. Tumawid lamang sa pedestrian crossing. Gamitin din ang overpass o footbridge o kaya ay underpass para sa mas ligtas na pagtawid.
3. Huwag basta-basta sumabay sa ibang taong tumatawid. Mag-isip nang mabuti bago ka tumawid.
4. Gawing kapansin-pansin ang iyong damit lalo na sa gabi, lalo na kung ikaw ay nagmomotor o nagbibisikleta. Magsuot ng maputi o makulay na kasuotan para madaling makita.
5. Umiwas sa pagtawid sa mga street corner. Baka kasi may biglang sumulpot na sasakyan at mahagip ka.