P5.7M pang droga nasamsam sa hotel unit ng bizman

NASAMSAM ng mga otoridad ang di bababa sa P5.735 milyon halaga ng ecstacy at cocaine sa serviced apartment unit ng dati nang naarestong negosyante, sa isang high-end hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City, Biyernes ng gabi.

Hinalughog ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency at Taguig City Police ang safety deposit box ni Domingo Uy Jr. sa Shangri-la at the Fort, dakong alas-11, ani PDEA spokesman Derrick Carreon.

Natagpuan sa kaha ang 2,750 piraso ng ecstacy na aabot sa P4.675 milyon ang halaga, 200 gramo o P1.06 milyon halaga ng cocaine, at 14 plastic cartridge na pinaniniwalaang may laman ding droga, ani Carreon.

Ang kaha ay nasa labas ng room 909, kung saan naaresto si Uy at mahigit P8.5 milyon ecstacy, cocaine, at marijuana ang nasamsam sa raid noong Mayo 22. 

Read more...