Trike sinalpok ng bus: 2 patay

DALAWANG tao ang nasawi at isa pa ang nasugatan nang salpukin ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang tricycle, sa Gamu, Isabela, Sabado ng umaga.

Dead on the spot ang tricycle driver na si Eric Bagauisan at sakay niyang si Jhong Madayag, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Sugatan naman at nagpapagaling sa ospital ang isang Renante Gallato.

Naganap ang insidente sa Brgy. Guibang, dakong alas-10:30.

Minamaneho ni Rohmar Agcaoili ang Florida bus (UVQ-680) patungong Naguilian nang masalpok ang kasalubong na tricycle, na minamaneho ni Bagauisan patungong Upi junction.

Lumabas sa imbestigasyon na may inunahang sasakyan ang bus bago nito nasalpok ang tricycle. 

Read more...