Bikini photo ni Frankie hot na hot; Sharon, Kiko may warning sa anak

FRANKIE PANGILINAN

Pinaalalahanan ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang kanilang anak na si Frankie na maghinay-hinay lang sa pagpo-post ng kanyang sexy photos sa Instagram.

Umani ng maraming likes and comments ang bikini photo ni Frankie sa IG kaya naman agad-agad na nag-react ang kanyang parents.

Payo ng Megastar sa anak, “Don’t show too much my Baba! Hahaha! But lookin’ good my baby! Miss you. I love you so much!”

Sa nakaraang episode naman ng Magandang Buhay nag-guest si Sen. Kiko kasama si Frankie at isa pang anak na si Miel. Payo ng senador kay Frankie, “Just be careful of what you post. Kasi sabi nga nila, once it’s up there, it will always be there.”

Ito naman ang reaksyon ng 18-year-old na dalaga sa “warning” ng kanyang magulang, “And mommy and daddy, they both po always make sure that we are in a healthy place when it comes to social media and things like that. Yes, they taught us naman also to be responsible.”

Read more...