‘Paano nasiguro ni Ai Ai delas Alas na hindi magnanakaw ang inendorso nilang politiko?’

AI AI DELAS ALAS

POSTSCRIPT to last Sunday’s Binibining Pilipinas coronation night.

In all subtlety, ramdam namin ang subtext ng opening ng nakaraang BBP 2019.
Marking the early celebration na rin of our Independence Day ay iwinagayway ang ating watawat ng mga kinatawan ng Maritime Academy of Asia and Pacific, samantalang nakaputing bestida ang 40 kandidata.

Why it occurred to us ay sa dahilang may tensiyon sa pa-gitan ng Pilipinas at ng China kaugnay sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Parang nais nitong gisingin ang ating kaisipan never to stop asserting our territorial rights.

Samantala, kung hindi kami nagkakamali ay first time na nagkaroon ng Free Speak ang nasabing pageant, kung saan bawat kandidata gets to pick a random topic and discuss it within a limited time of 30 seconds.

Naalala tuloy namin ang isa ring minor local pageant long ago, where the candidates as though gathered around a bonfire went through the same thing.

Top of mind answers ang ibinigay nila without necessarily having to expound on the subject.

In Binibining Pilipinas, nagmistulang mas mahirap na pagsusulit ‘yon which is no different from an extemporaneous speech. It was a test of a candidate’s quick-wittedness with having to keep their composure under pressure.

Hoping that it’s going to be a yearly segment in the coronation night.

q q q

At the height of the campaign period, sandamakmak sa mga kumakandidato (regrettably, nanalo pa!) had been dragged to issues on corruption.

Ilang araw na lang ay opisyal nang manunungkulan ang mga ito. But this piece isn’t about them.

Kamakailan ay nagpahayag si Ai Ai delas Alas kung bakit may ilang tao siyang si-nuportahan nitong nakaraang eleksyon. Maiksi at makataas-kilay ang kanyang katwiran: hindi raw kasi sila corrupt.

Napakaaga namang ma-kilatis ni Ai Ai ang sariwang itlog from a stale one. Bakit, how close is she to those persons who she believes are straight-laced?

Hindi na namin babanggitin pa in particular whose boots she may be licking, but her discernment is too premature unless she’s family to them.

Pero sa bandang huli, we may disagree with Ai Ai—or anyone else—pagdating sa opinyon on certain political issues ay karapatan nila ‘yon. ‘Yun nga lang, huwag naman sana in such a manner na pinagtatawanan sila.

Worse, huwag nilang i-impose sa mga non-believers ang kanilang paniniwala na sila lang naman yata ang naniniwala.

Read more...