Studio 7 tuwing Sabado na; Ken, Rita pasok sa banga

KEN CHAN AT RITA DANIELA

IDINAGDAG  ang Kapuso loveteam na sina Rita Daniela at Ken Chan bilang bagong mainstays ng Kapuso’s musical variety show na Studio 7 simula ngayong gabi.

Bago na ang timeslot ng show, 10 p.m. na ito, at kasabay ng bagong oras, ibabandera ng programa ang latest nilang segment, ang “Duet With Me.”

Sa segment na ito, isang mainstay at dalawang contesnts ang magbabakbakan sa biritan. Tatlong influencers naman at isang featured artist ang magdedesisyon kung sino ang tatanghaling winner.

Eh, ang mas bongga sa segment na ito ng Studio 7, ang mananalo ay mabibigyan ng fast pass upang mapasali sa Top 64 ng The Clash Season 2 ng GMA, huh!

Samantala, ngayong gabi naman ang simula ng labanan sa original artista search ng GMA na StarStruck at sa Top 22 hopefuls na ipinakita, pinag-
usapan agad sila kahit mukha lang ang nakita sa kanila.

 

Read more...