Dingdong OK lang tawaging Tito: Pwede rin namang daddy!

DINGDONG DANTES

SPEAKING of StarStruck, isa pa rin sa magi-ging host ng show ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na siya ring nag-host noong magsimula ito taong 2003.

“Isipin mo, kung may sanggol 16 years ago, Senior High School na ngayon,” chika ni Dong sa nakaraang mediacon ng nagbabalik Kapuso reality talent search.

Paano maiiba season 7 ng StarStruck,

“Siguro, isa sa major na pagkakaiba, walang social media dati. So, kumbaga, yung progress ng hopefuls, yung kanilang mga buhay ay hindi masyadong nasusundan after the show or beyond the show.

“Pero dito, mas nagiging involved ang mga humahanga sa kanila. Kahit na hindi napapanood on air, nasusundan sila online,” paliwanag ni Dong.

Dagdag pa ng TV host-actor, ang isa pa raw sa kaibahan ngayon ng StarStruck ay, “Dati, Kuya ang tawag sa akin.

Nga-yon, tito o baka nga daddy na, kasi ilang taon na sila.”
Unlike, the Council member (judge) Cherie Gil, okay lang kay Dong na tawagin siyang tito o daddy nga mga artista hopefuls.

Read more...