Madiskarteng aktres walang hiya-hiya, tirador ng tira-tira

HANGGANG ngayon ay bumibida pa rin sa mga kuwentuhan ang isang kilalang female personality na marunong sa buhay.

Magaling siyang pumaraan, wala siyang pakialam kahit pa pintasan siya ng iba, ang mahalaga ay nagagawa niya ang mga bagay-bagay na makapagpapagaan sa kanya bilang inaasahan ng kanyang pamilya.

Nanghihinayang siya sa mga pagkaing natitira sa mga pinupuntahan niyang okasyon, buong ningning niyang ipinababalot ‘yun sa mga waiter, napakarami nga namang nagugutom ngayon.

Dagdag na chika pa ng aming source, “Bakit nga naman siya mahihiya, e, hinihingi niya naman ang mga kinukuha niya para maiuwi? Ang nakakahiya, e, ‘yung nagnanakaw!

“Pero siya, talagang hinihingi niya ‘yun, magalang siyang nagpapaalam sa mga namamahala ng catering, hindi siya nang-uumit ng food.

“At hindi lang basta ganu’n, pati ang floral arrangement, hinihingi rin niya, mahal nga naman ang mga sariwang bulaklak, e, itatapon lang naman ‘yun pagkatapos ng okasyon!

“Walang masama sa ginagawa niya, nagbibigay-galang siya, nanghihinayang siya sa mga tira-tira, kaya iniuuwi niya,” pagtatanggol ng impormante sa kilalang female personality.

Kumikita naman ang babaeng personalidad, maabilidad siya sa buhay, marami siyang talento na pinakikinabangan niya.

“Ay, hindi mo puwedeng gutumin ang babaeng ‘yun! Marunong siyang pumaraan, napakarami niyang talent, sa totoo lang! Kahit nga ang mga gowns niya, nagagawa niyang mukhang bago kahit pa ilang ulit na niyang nagagamit!

“Marunong siyang manahi, magaling siyang mag-design, kaya hindi niya kailangang magpagawa ng bagong gown kapag meron siyang pupuntahang formal gathering.

“Di ba, kilalang-kilala siya sa mga tiangge? Hello, magaling kaya siyang gumawa ng paraan para hindi kumalam ang sikmura niya! Konting tikim du’n, konting kurot ng kung anuman dito, busog na siya!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ikaw na ang may korona sa ulo sa lahat-lahat ng bagay!” pagtatapos ng aming source.

 

Read more...