Guro may taas-sahod; kung magkano at kailan, hindi alam

TINIYAK ng isang opisyal ng Department of Education na magkakaroon ng pagtaas sa sahod ng mga guro sa pampublikong lugar.

Pero ang hindi tiyak ay kung magkano ang pagtataas at kung kailan ito ipatutupad, ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa panayam sa telebisyon.

Sinabi ni Malaluan na hindi lamang ang DepEd ang magdedesisyon sa taas-sahod at nasa kamay na umano ito ng Gabinete.

“Basta ang na-settle, tutuparin ‘yung pangako ng increase…” ani Malaluan. “Ang usaping ‘yan, ang desisyon when, how much, and so on will come from the President himself or his spokesperson.”

Ilang beses nangako si Pangulong Duterte na itataas ang sahod ng mga guro.

Sa kasalukuyan ang Teacher I, ang pinakamababang ranggo ng guro, ay sumasahod ng P20,754 kada buwan.

Read more...