Car shop owner arestado sa kasong carnapping sa San Juan


ARESTADO ang isang may-ari ng car shop, na tinaguriang ‘eight most wanted’ sa San Juan City dahil sa kasong carnapping.

Hinuli ng mga operatiba ng San Juan City police station sa ilalim ni Col. Ariel Fulo Robert Fernandez, 29, sa loob ng kanyang bahay sa No. 4 Jose Wright st., Barangay Batis ganap na alas-4:30 ng hapon.

Ipinalabas ang arrest warrant laban kay Fernandez ni Judge Rosanna Romero-Malaya, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 88 dahil sa kasong carnapping.

Sinabi ng pulisya na tinagurian si Fernandez na No. 8 most wanted person sa lungsod dahil sa pagbebenta ng nakaw na kotse.

Noong 2015, ninakaw ni Fernandez ang isang Land Cruiser na pag-aari ng isang pulis sa Quezon City, ayon sa pulisya.

Kinasuhan si Fernandez ng paglabag sa Anti-Carnapping Law sa Quezon City RTC. Nakalabas naman ang suspek matapos makapagpiyansa.

Idinagdag ng pulisya na nahaharap din si Fernandez sa kaso ng robbery sa Manila RTC Branch 52.

Nakakulong ngayon si Fernandez sa San Juan City police custodial facility.

Read more...