Manoy Eddie hindi sumusuko; tuloy ang pakikipaglaban sa buhay

EDDIE GARCIA


TULAD ng mga karakter na pinasikat niya sa mga teleserye at pelikula, hindi pa rin sumusuko sa pakikipaglaban sa kanManoy Rddie hindi sumusuko; tuloy ang pakikipaglaban sa buhay yang buhay si Eddie Garcia.

Ito ay ayon na rin sa spokesperson ng pamilya ni Manoy na si Dr. Tony Rebosa. “Just like in the movies, Mr. Garcia has been valiantly fighting for his life.

“Any other lesser soul or mortal would have been a goner a long, long time ago considering that he is ninety years old,” aniya pa.

Base sa latest medical bulletin mula sa mga doktor ng Makati Medical Center, kritikal pa rin ang kondisyon ng veteran actor. Ibig sabihin, comatose pa rin si Manoy at sinusuportahan lamang ng ventilator at mga gamot ang kanyang blood pressure.

Hindi rin daw totoo ani Rebosa na binabalak na ng pamilya Garcia na tanggalin ang life support ng aktor.

“As of the moment, wala pang desisyon ang pamilya niya. Pero definitely, they don’t want to let go,” pahayag ng doktor.

“Lilibeth (Romero, partner ni Manoy) is, of course, putting a brave face but deep inside I know ngiti-ngiti, paiyak-iyak. Pero support ng family niya ay nandu’n. Let’s also pray for Lilibeth kasi talagang devastated siya,” dagdag pa niya.

In-explain din ng doktor na kung sakali mang magising ang 90-year-old actor-director ay magiging quadriplectic na ang kundisyon nito.

“You are paralyzed from the neck down. Well, if he does survive ‘yun ‘yung magiging consequence niya kasi matindi talaga ‘yung naging pinsala sa neck niya,” paliwanag pa nito.

Sa ngayon, patuloy pa ring humihingi ng taimtim na panalangin ang pamilya ni Manoy para sa pagbalik ng malay nito kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga nagmamahal kay Manoy Eddie Garcia.

Read more...