3 rebelde patay sa bakbakan sa Oriental Mindoro

 

TATLONG kasapi ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo sa Mansalay, Oriental Mindoro, Huwebes ng hapon, ayon sa pulisya.

Narekober ng mga sundalo ang bangkay ng mga napatay na rebelde, tatlong M16 rifle, at isang AK-47 rifle, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Naengkuwentro ng mga miyembro ng Army 4th Infantry Battalion ang aabot sa 40 rebelde sa Sitio Kalibang, Brgy. Panaytayan, dakong alas-3:10.

Namataang umatras ang mga rebelde patungong Sitio Mawan, ng parehong barangay

Read more...