MAGANDANG araw sa Aksyon Line.
Ako po si Ma. Julia Regasa na humihingi po ng oras ninyo para
bigyang pansin po ang kasalukuyang pag-loan ko sa SSS.
Halos mag-iisang buwan na po kasi ang nakakalipas nung pinasa ko ang nasabing loan application ko, ang sabi po kasi two to three weeks lang daw po.
Nawa ay matulungan ninyo po ako sa aking loan application.
Maraming maraming salamat po.
Lubos na
gumagalang,
Ma. Julia Regasa
REPLY: Ito ay bilang tugon sa problemang idinulog ni Bb. Ma. Julia Regasa tungkol sa kanyang SSS loan application.
Nang aming i-verify sa system ng SSS, nakita namin ang kanyang salary loan application na ipinasa noong May 20, 2019 sa SSS Rosario (EPZA) branch at ito ay naisyuhan na ng tseke noo pang May 25, 2019.
Maasahan niya na ang tseke ay dadalhin sa mailing addres na inilagay niya sa ipinasa niyang loan application.
Maraming salamat.
Sumasainyo,
May Rose
del Francisco
Acting Department
Manager
Media Affairs
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.