Re-elected solon nanibak ng staff; kulang sa performance
SINIBAK ng isang incumbent lawmaker ang lakat ng kanyang staff.
Gusto kasi ng ating bida na kumuha ng mga bagong tao sa pagbubukas ng 18th Congress sa susunod na buwan.
Lahat ng kasalukuyang staff ay tumanggap ng memo mula sa paboritong alalay ni Sir na mukhang Chinese.
Laman ng nasabing office memo na tanging mga high tech, may alam sa complete staff work at maaasahan sa legislative work ang dapat na matira sa opisina ng ating bida.
Pero sinabi ng aking Cricket na ginawa nila ito dahil sa naging mahinang performance ng mambabatas sa nakalipas na mga sesyon.
Bagaman mahusay na abogado ay hindi naging maganda ang kanyang performance o output dahil sa pagkukulang ng ilan sa kanyang mga staff.
Noong nakalipas na halalan ay munti na ring hindi manalo ang mambabatas dahil hindi ganun kalakas ang kanyang da-ting sa publiko.
Sinabi pa ng aking Cricket na kailangan ni Sir na mag-level up lalo’t nag-aambisyon rin ito sa vice-presidential position sa 2022.
Kung hindi siya magbabago sa kanyang estilo ay malamang sa kangkungan pupulutin ang kanyang political career ayon pa sa aking source.
Sayang ang pangalan ni Sir dahil markado na ito sa pulitika pero kapag hindi ito inalagaan ay mauuwi sa wala ang itinanim na legacy ng kanyang tatay na kilalang tagapagtanggol ng ating Republika.
Ang bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. K…as in Kulelat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.