Lipad Darna Lipad: Nanette Medved nag-donate ng 8 classroom sa Marawi

NANETTE MEDVED KASAMA ANG MGA ESTUDYANTE SA MARAWI CITY

“LIPAD Darna lipad!!!” Yan ang sigaw ng madlang pipol nang muling magparamdan ang dating aktres na si Nanette Medved sa social media.

Isa si Nanette sa mga female celebrities na gumanap noon bilang Darna. Hindi na siya aktibo ngayon sa showbiz pero active na active siya sa mga charity works.

Yes, isa nang kilalang philanthropist ngayon si Nanette at advocate ng edukasyon. Nito lang nakaraang araw ay nai-turn over na niya ang walong bagong gawang classroom sa Marawi City para sa mga kabataan doon.

“So happy to be able to turn over 8 classrooms here in Marawi today! Thank you to the Maranao for your heart warming hospitality especially given the circumstances!

“Pao- thank you for the great photos and Joie for choosing such moving locations. Finally, thank you to the approximately 2 million choices that made these classrooms possible,” ang caption ng dating aktres sa kanyang IG post kung saan makikita siyang napapaligiran siya ng mga kabataang Maranao.

Yan ang dahilan kung bakit bumaha ng papuri at magagandang comments sa IG account ni Nanette at muli siyang tinawag na Darna. Isa lang daw itong patunay na karapat-dapat siyang tawaging superhero.

Ang pagdo-donate ni Nanette ng walong classroom sa Marawi ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kanyang Generation Hope Inc., isang non-profit organization na itinatag noong 2014. Siya rin ang tumatayong Chairman at President ng nasabing foundation.

Aside from this, marami pang tinutulungan ang grupo ni Nanette kaya naman patuloy siyang bine-bless sa kanyang personal life.

Isa sa mga celebrities na agad nagkomento sa pagtulong ng dating Darna sa mga taga-Marawi ay ang award-winning actress na si Iza Calzado na talagang saludo sa mga ginagawang charity works ng dating aktres.

“You are such an amazing woman. Congratulations to you and Team Hope,” papuri ng aktres.

“That’s what Darna do,” comment naman ng isang netizen.

Sey ni @its.simply.ynah, “You are an inspiration to me doing what i love to do to my community.”

Comment naman ni @pocoyo1818, “Bat pa ba sila nag iisip ng panibagong gaganap na Darna e nandyan ka naman!”

Bukod pala sa Hope, member din siya ng National Advisory Council of World Wildlife Fund Philippine.

Read more...